Habulin mo ang Happiness mo!
Madaling araw na naman at tulad ng madalas na nangyayari sa akin ay napupuyat na naman ako. patalon talon at pasirko sirko na naman ang isip ko tila ayaw nyang magpahinga at hindi nauubusan ng enerhiya sa kabilang banda ang katawang lupa ko naman ay gusto na sanang pumasyal sa kaharian ng magagandang panaginip ngunit kung anu ano pa ang sumasagi sa aking malikot na pagiisip ramdam kong hindi na makasabay ang katawan ko sa likot at liksi ng aking isip.
Anu ba ang mga naglalaro sa isipan ko, una naisip ko ang bilis ng takbo ng panahon at parang ang hirap sumabay o sadyang hindi ko lang ginagawan ng paraan para makasabay ako sa bilis ng daloy ng oras? tumanda na ako ng hindi ko namamalayan at ang mga naabot ko sa buhay ay parang hindi angkop sa aking edad kung baga sa katawan ng tao malnourish ang mga achievements ko at ito ang bumagabag sakin, nalungkot ako.
Kung sa paramihan lang ng mga plano sa buhay ay napakarami ko na neto ang wala sa akin o maaring kulang sa akin ay ang execution ng mga plano dahil ang bilis kasi mabaling ng atensyon ko sa ibang bagay halatang kulang ako sa focus. at dahil kulang ako sa focus mukang naiiwan na ako ng mga kasabayan ko at mas lalo na naman akong nalungkot, at dahil maliksi pa ang isip ko nag isip agad ako ng paraan at solusyon sa mga problema ko.
Naalala ko ang isang TVC ng isang vitamin ang tag line nila ay “habulin mo ang happiness mo!”
Hahabulin ko na nga ang happiness ko, parang swak din ito kase kung malnourish ang achievments ko kailangan ko ng energy para maging malusog ito. Hindi ko alam hangang kailan ako maglalakad, tatakbo at lalangoy para habulin ang happiness na panay ang pahabol sa akin ang alam ko lang ngayon dapat ihakbang ko na ang mga paa ko.
hi! napadaan lang… interesante kasi ang title mo.
ayos sapagmuni-muni ah! nakaka-relate tuloy ako ngayon kasi puyat din ako at mababa ang energy. oo nga mahirap talaga ang maglagay ng focus lalo na kung pressured ka na sa sitwasyon mo at hirap kapang makahabol.
what we can do na lang siguro, i never stop trying and do the best that we can. maliit man ang achievement, at least meron at mapapalago pa. saka ang bawat achievement naman ay iba-iba para sa mga tao kaya di natin basta pwedeng i-compare yung sa atin sa iba.
mabuhay, hopefully we’re both sleep tight ng maayos. hehehe dream after dream ang drama. mas hopeless naman yung pati pag-dream d pa magawa da ba!?
*what we can do na lang siguro is never stop trying…
Kung minsan, di natin kailangang habulin ang happiness natin. Kailangan lang nating ibuka ang ating mga mata’t buksan ang damdamin dahil nandiyan lang sa tabi mo ang kaligayahan mo. Kung may asawa ka, namnamin ang kaligayahang dulot ng bango ng nilabhan niyang damit. Kung may anak ka, kailangan mo lang huminto sa trabaho at makipaglaro sa kanya. Kung estudyante ka, kailangan mo lang bilangin ang mga taong natapos mo na sa elementarya at high school. Isali mo na rin ang mga natutunan mo sa mahigit sampung naging guro mo. O sa napakasimpleng paraan, huminga ng malalim at lasapin ang samyo ng hangin na dumadampi sa ‘yong pisngi.
Hindi naman ako mongha pero kaya ko ring sabihin ang mga ugat ng kaligayahang ito dahil naramdaman ko lahat ang mga mumunting kaligayahang ito
salamat cons-pinoy, madalas kasi ang bagay na nakakapag pasaya satin ay hindi pansin tulad ng mga sinabi mo sa itaas “simple pleasures” kumbaga.
hindi ko alam kung turo ba ng society ang mga bagay na akala natin makakapagpasaya satin tulad ng luho at material na bagay. pero minsan din, ang paghabol sa happiness mo ay isa sa magandang “driving will” para magpatuloy sa buhay, ang mga natatanging happiness tulad ng tagumpay, etc ay nagiintay lamang na lapitan natin. salamat sa pag daan sa blog ko.=)