Sa isang bintana tanaw ko ang isang nanay, kaya naisipan ko panoorin ang mga kilos niya.
Bomba. ilang ulit ng nakakangalay at nakakapawis na pagbobomba.
nag mamadaling kinakapa ng nanay ang posporo sa tabi ng isang de bombang kalan, nagmamadali siyang ikiniskis ang palito sa bahay na karton ng posporo at sumindi ang isang maliit na apoy at inilapit sa labasan ng gaas ng kalan. ito na ang apoy, pinatong sa kalan ang maliit na kalderong may kalahating tubig sa loob.
isa pa ulit na pagbomba sa kalan, paulit ulit… maraming beses hangang sa kumulo na ang tubig.
blok! blok! blok! ang tunog nang patuloy sa pagkulo ng tubig. binuksan ng nanay ang isang pakete ng lucky beef noodles at dinurog ang laman nito saka inihulog sa kumukulong tubig, makalipas ang isang minuto ay inihulog na din niya ang pulbos na pampalasa ng noodle kasama ng malasebong mantika sa loob ng pakete.
hinango ang noodle at hinain sa hapag.
nilantakan ng mga anak, subo ng noodles dito subo ng noodles doon. higop dito at higop pa sa bandang dako pa doon, lumipas ang tatlong minuto naubos ang bagong kulong noodle ni nanay.
lumabas na ang nanay pero naka dikit parin ang mata ko sa mga ikikilos nya kahit alam ko kung saan ang tungo niya.
ang tagal mo namang bruha ka! sesyon na! hirit ng isang mahaderang bakla.
letse! nagluto pa ako ng almusal mga atat!
mabilis syang umupo sa grupo ng mga taong may hawak ng baraha. yung katabing grupo binggo ang nilalaro.
GAME na!!! BET GAME na! kumpleto na tayo!
(bet game mas advance daw ito sa tong-its at ito ang hit ngayon sa lugar namin)
pasado alas siyete palang ng umaga, dumaan na ang naglalako ng dyaryo at taho at naubos na rin ang mga batang naglalakad papasok sa eskwela, at nakatae na ang lahat ng aso na nakawala pero hindi na ito maalintana ng mga sugarol sa aming lugar. matinding gutom na lang ang at pagkaihi o kapag natae na sila , yun lang ang pwedeng makapagpatayo sa kanila. hindi rin maaring maliitin ang mga kwentong handog nila, mga balitang hindi lang pangshowbiz, pampulitika pa.
sanay na ako sa ganitong tanawin pero kailan ko lang naisip na masarap palang ikwento ang mga storya na nakikita mo at dito mag sisimula ang mga kwentong kalye ko.
wahhh.. ayos ulit sa kuwento ah. na-imagine ko raw talaga. parang eksena sa pelikula.
kaka-start mo lang pala sa pagba-blog. more power!
hi hitokiroshi, medyo matagal na ako blog pero nagclose yung dati nalimutan ko ang password hehe. iniisip ko kung import ko dito ung mga dating nasulat ko.salamat ulit sa pag daaan