Ang TV

Martes, Oktubre 27th, 2009

madalas hindi na ako nanuuod ng telebisyon tingin ko kasi panapanahon ang pagkahilig ko sa isang bagay halimbawa wala akong interes ngayon pero baka sa susunod na buwan ay meron na ulit. ang kaso lang tuwing susubukan kong ibalik ang interes ko sa panonood ng tv ay lagi nalang akong nabibigo, mula morning show papuntang noon time show hangang TV ad sa telebisyon, napapasok, pinapasok at pinapapasok ang pulitika.

eh ano ba ang problema ko sa pulitika? basta ang alam ko ayaw ko sa pulitika, pero ito ako laging apektado, ayaw ko ba talaga? hindi ko alam.

mainam na medium talaga ang air time sa telebisyon dahil halos abot nito saan sulok man ng mundo, maihahatid mo ang mensaheng gustong ipabatid sa mga manonood kaya naman kitang kita ito ng mga pulitiko kaya kanya kanyang diskarte sa pag gamit ng mamahaling air time sa telebisyon. minsan daig pa nila ang mga produkto sa dalas ipakita ng tv ad nila sa telebisyon.

2009 pa lang ngayon at 2010 pa ang eleksyon.

sa panahong ito ang kasabihang ” Daig ng maagap ang masipag” ay motto ata halos lahat ng mga pulitikong nagnanais maka upo sa pinakamataas na bangkuan ng pamahalaan.

kung hindi ako nagkakamali ang huling buwan ng taon 2008 ay meron na ding mga patikim sa tv ad sa telebisyon ang mga pulitikong nais tumakbo at maupo sa pwesto at dahil doon mas nawalan ako ng gana sa mga pulitikong ito, at ng mag laon sa telebisyon.

nakita mo na ang bahay ng isang senador na galing sa hirap at laking tondo? nakakaawa sila dati no? biruin mo may tulo sa loob ng bahay nila, masikip at tabi tabi silang matulog parang wala ng pag asa pero dahil sa sipag at tyaga nya, nagsimulang umarangkada ang buhay nila. panalo!

ang tanong ko lang, ilang taon na ba itong senador na to? ilang taon na ba syang mayaman este matagumpay sa buhay? hanga ako sa kanya dahil nakita pa niya o itinuring niyang ancestral house yung bahay nila sa tondo, o guni guni ko lang ito? gusto ko din malaman kung sino ang nakuha nyang set designer ng bahay na pinakita nila sa tv. hays tunay kaya ang mga ito o isang palabas lang. mag isip tayo.

may nakita ka na bang mama na nakasuot ng asul na polo at maong na pantalon na galing sa kawalan at biglang sasakay ng padyak at biglang maguusisa sa mga pangarap ng mga musmos na bata? maganda ang konsepto kaso wala sa realidad maaring nasa realidad pero mali ang timing, at bakit kung kelan malapit na ang eleksyon ay doon mo lang naisipang mag byahe gamit ang padyak at mag tanong tanong ng kung ano ang pangarap ng kabataang pinoy.

at hindi ka pa nakunentento, nag arkila ka pa ng isang damukal na artista nang teatro para sa political campaign mo, yung mga artista mo bigay na bigay sa pag arte sa pagbibigay ng linya kung gaano na sila nahihirapan sa buhay nila.

ang linyang tumatak sa isip ko ay

” sa lahat ng dumaan dito ikaw lang ang huminto”

damang dama ko ang ganap ng nagbikas ng katagang ito tapos sasagutin mo lang sa napakalamig at walang sinseridad na

“wag kayong mag alalala akong bahala, lalaban tayo!”

anak ng pating na baog, hala ka!

sana naman nag ensayo ka ng mainam sa harap ng salamin bago ka sumalang at bigkasin ang mga katagang ito, dahil imbis na kilabutan ako dahil nakaka antig ang politikal ad mo ay kinalibutan ako sa walang sinseridad mong pag ganap, lalo mo lang pinagtibay ang kawalan ko ng gana sa telibisyon.

may nalalaman ka pang linya na

” anak itabi mo, ako na”

isa na naman hala hala!!!

asan ang katotohan sa sitwasyong ito, maganda ang motibo at paraan para mabuo ang tiwala sayo ng sambayanan ang kaso lang sa acting mo, nabuo ang tanong sa isip ko, tunay ba talaga ito? o gaya ng palabas sa tv ito ay isa lang din fantaserye na uso sa panahon ngayon.

ang mga ad na ito ay sumusubok na paniwalain ang taong bayan na may ginintuang puso ang ang mga puliko kaso hindi ako maniniwala dito.

sabihin mo ng sarado ang isip ko. sarado talaga pag dating sa ganito.

yung mga nabanggit na pulitiko, ayos naman ang pag tinggin ko sa kanila noong una nabago lang dahil sa mga pinalabas nilang ito.

sabi ko kasi sa sarili ko, hindi ko iboboto ang mga pulitiko na mangangapanya sa taong 2009 kaya pasok na tong dalawang ito. kung mabawas man sila sa listahan ng iboboto ko mas mahihirapan akong pumili ng tamang kandidato pero problema ko na yon.

at wag kalimutan ang ginawang kabalbalan ng isang senadora na namigay ng bracelet sa libing na isang kinikilang icon ng ating bansa, siguradong burado na siya sa listahan ng kandidato ko, wala siyang matinong pag iisip para gawin ang karumaldumal na bagay na yon, wala siyang inisip kundi isawsaw ang sarili niya sa kasikatan ng libing ng yumao na. ito ang masasabi ko sayo

nakaka inis ka, pero nakakatawa pa din dahil ang tanga mo pala ngunit nakaka awa ka, nawalan ka na ng tsansa dahil SAKIM ka.

hindi naman lahat ng politikal ad masakit sa mata, meron akong isang gusto yung may tag line na “ganito po kami sa makati” sana sa buong bansa rin, maganda ang pangakong iniwan nya, isang pangarap na lugar na matagal na nating inaasam para sa ating bansa.

habulin mo ko

Martes, Oktubre 27th, 2009

BADTRIPS yep badtrip na may “S” (marami akong badtrip!) bakit kase minsan ang gULo ng earth. ang dami ng naghahabulan pero hindi karera ito kundi habulan ng mga tao… mga taong nagkakagusto sa iisang tao. parang komiks talaga. kawawa naman ang bida bakit hindi kaya ako gumawa ng maiksing istorya kung bakit ang gulo ng kwentong ito.

noong unang panahon sa malayong kaharian ng kusina may nabubuhay ng tahimik at payak na si kutsilyo ang tangi nya lamang alam ay ang humiwa ng humiwa ng kung ano-anung bagay. ang pagiging payak ng buhay niya ay nagsimulang magbago ng makilala nya si platito, may ibang bagay siyang naramdaman para sa platitong ito ngunit kanya lamang inisantabi dahil ang kutsilyo ay hindi nababagay sa platito dahil una sa lahat si kutsilyo ay isang dugong bughaw sapagkat siya ay ginawa at pinatalas pa ng yumaong PANDAY ng pilipinas. pinilit niyang maging normal katulad ng dati ang kanyang buhay paghihiwa habang naging malapit sa kanya ang platito. nang hindi mag laon ay dumami na ang kasangkapan sa kaharian ng kusina. may mga dumating na pang is-is ng kaldero, isang timbangan, kaserola, uling pang ihaw, sandok, abrelata, hasaan, labaha, at alinlangan din dumating sina gunting,pangkulot,pang relax, blower este hindi pala sila kasama naligaw lang sila ang destinasyon nila ay sa parlor ng baklang pikit ang dalawang mata.

naglaon ang panahon ay lalong gumulo ang buhay ni kutsilyo nang mahulog ang loob ni timbangan kay kutsilyo dahil sa sulsol ni hasaan pero matapos lang ang ilang segundo ay umamin din si abrelata na mahal niya rin si kutsilyo. nasisiraan na ng talim si kutsilyo hindi na siya makahiwa ng matino, hinahagard pa siya ng buong kagamitan sa kaharian ng kusina pinapapli siya kay timbangan ba o kay abrelata? pero teka hindi pa rin nag babago ang damdamin ni kutsilyo para kay platito ang gulo ng buong kusina at sagot nya sa mga kasama niyang kagamitan ay “kailangan ba talaga pumili? me iba na akong tinatangi ” HUWAAAAAAAAAAAAAAAAAAT???????????? sabi ng lahat palihim niyang sinilayan si platito na kasalukyung lumilipad ang isip at walang alam sa kanyang nararamdaman. ng mapagod ang lahat ay naiwan mag isa si kutsilyo at sa kanyang pagiisa ay nilapitan siya ni platito, may sasabihin daw ito sa kanya tungkol sa pag ibig kaya naman nabuhayan ng loob ang malapit ng pumurol na si kutsilyo atat na atat na siya at gusto na niyang marinig ang pagtatapat na gagawin ni platito. ganito kase yan panimula ni platito, meron akong iiniirog sa matagal na panahon na, pero pilit ko lamang nilabanan ang pakiramdam na ito dahil baka hindi niya ako maibigan nito. buong akala ni kutsilyo ay siya na ang tinutukoy nito ngunit laking gulat niya na ang mahal niya ang gunting na naligaw sa palasyo ng kusina. masakit ang sinapit ni kutsilyo kaya natuluyan na siyan pumurol at hindi na humiwa ng anu mga sangkap sa pagluluto simula noon at siya ay pwersahang itinapon sa lagayang lata dahil hindi na siya makakapagsilbi pa sa kusina.

tapos na ang kwento, may naunawaan ba kayo?

habulin mo happiness mo

Huwebes, Oktubre 15th, 2009

Habulin mo ang Happiness mo!

Madaling araw na naman at tulad ng madalas na nangyayari sa akin ay napupuyat na naman ako. patalon talon at pasirko sirko na naman ang isip ko tila ayaw nyang magpahinga at hindi nauubusan ng enerhiya sa kabilang banda ang katawang lupa ko naman ay gusto na sanang pumasyal sa kaharian ng magagandang panaginip ngunit kung anu ano pa ang sumasagi sa aking malikot na pagiisip ramdam kong hindi na makasabay ang katawan ko sa likot at liksi ng aking isip.

Anu ba ang mga naglalaro sa isipan ko, una naisip ko ang bilis ng takbo ng panahon at parang ang hirap sumabay o sadyang hindi ko lang ginagawan ng paraan para makasabay ako sa bilis ng daloy ng oras? tumanda na ako ng hindi ko namamalayan at ang mga naabot ko sa buhay ay parang hindi angkop sa aking edad kung baga sa katawan ng tao malnourish ang mga achievements ko at ito ang bumagabag sakin, nalungkot ako.

Kung sa paramihan lang ng mga plano sa buhay ay napakarami ko na neto ang wala sa akin o maaring kulang sa akin ay ang execution ng mga plano dahil ang bilis kasi mabaling ng atensyon ko sa ibang bagay halatang kulang ako sa focus. at dahil kulang ako sa focus mukang naiiwan na ako ng mga kasabayan ko at mas lalo na naman akong nalungkot, at dahil maliksi pa ang isip ko nag isip agad ako ng paraan at solusyon sa mga problema ko.

Naalala ko ang isang TVC ng isang vitamin ang tag line nila ay “habulin mo ang happiness mo!”

Hahabulin ko na nga ang happiness ko, parang swak din ito kase kung malnourish ang achievments  ko kailangan ko ng energy para maging malusog ito. Hindi ko alam hangang kailan ako maglalakad, tatakbo at lalangoy para habulin ang happiness na panay ang pahabol sa akin ang alam ko lang ngayon dapat ihakbang ko na ang mga paa ko.

simula

Linggo, Oktubre 11th, 2009

Sa isang bintana tanaw ko ang isang nanay, kaya naisipan ko panoorin ang mga kilos niya.

Bomba. ilang ulit ng nakakangalay at nakakapawis na pagbobomba.

nag mamadaling kinakapa ng nanay ang posporo sa tabi ng isang de bombang kalan, nagmamadali siyang ikiniskis ang palito sa bahay na karton ng posporo at sumindi ang isang maliit na apoy at inilapit sa labasan ng gaas ng kalan. ito na ang apoy, pinatong sa kalan ang maliit na kalderong may kalahating tubig sa loob.

isa pa ulit na pagbomba sa kalan, paulit ulit… maraming beses hangang sa kumulo na ang tubig.

blok! blok! blok! ang tunog nang patuloy sa pagkulo ng tubig. binuksan ng nanay ang isang pakete ng lucky beef noodles at dinurog ang laman nito saka inihulog sa kumukulong tubig, makalipas ang isang minuto ay inihulog na din niya ang pulbos na pampalasa ng noodle kasama ng malasebong mantika sa loob ng pakete.

hinango ang noodle at hinain sa hapag.

nilantakan ng mga anak, subo ng noodles dito subo ng noodles doon. higop dito at higop pa sa bandang dako pa doon, lumipas ang tatlong minuto naubos ang bagong kulong noodle ni nanay.

lumabas na ang nanay pero naka dikit parin ang mata ko sa mga ikikilos nya kahit alam ko kung saan ang tungo niya.

ang tagal mo namang bruha ka! sesyon na! hirit ng isang mahaderang bakla.

letse! nagluto pa ako ng almusal mga atat!

mabilis syang umupo sa grupo ng mga taong may hawak ng baraha. yung katabing grupo binggo ang nilalaro.

GAME na!!! BET GAME na! kumpleto na tayo!

(bet game mas advance daw ito sa tong-its at ito ang hit ngayon sa lugar namin)

pasado alas siyete palang ng umaga, dumaan na ang naglalako ng dyaryo at taho at naubos na rin ang mga batang naglalakad papasok sa eskwela, at nakatae na ang lahat ng aso na nakawala pero hindi na ito maalintana ng mga sugarol sa aming lugar. matinding gutom na lang ang at pagkaihi o kapag natae na sila , yun lang ang pwedeng makapagpatayo sa kanila. hindi rin maaring maliitin ang mga kwentong handog nila, mga balitang hindi lang pangshowbiz, pampulitika pa.

sanay na ako sa ganitong tanawin pero kailan ko lang naisip na masarap palang ikwento ang mga storya na nakikita mo at dito mag sisimula ang mga kwentong kalye ko.

Hello world!

Linggo, Oktubre 11th, 2009

Welcome to WordPress.com. This is your first post. Edit or delete it and start blogging!

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.